denial queen (de•ná•yal kwin) : tawag sa isang popular o kilaláng babae, lalo na sa isang artista, na pinasisinungalingan ang mga balita o pahayag tungkol sa kaniya
denial (de•ná•yal) 1: pagkakait 2: pagkakaila; pagtanggi; pagta-tatwa 3: pagtatakwil 4: ang di-maláy na pagpipigil ng masakít o hindi katanggap-tanggap na damdamin o katotohanan
doña queen sirikít (dón•ya kwin si•ri•kít) : isang hybrid (Mussaenda ‘Doña Queen Sirikit’) na may kremang maramihang braktea